33 Ang dila ni Nicanor ay pinutol din ni Judas para tadtarin at ipakain sa mga ibon. At ipabitin naman sa tapat ng Templo ang ibang parte ng katawan nito.
34 Lahat ng naroroon ay tumingala sa langit at nagpuri sa Panginoon na naghayag ng kanyang banal na kapangyarihan at nag-ingat sa Templo upang ito'y manatiling malinis.
35 Kinuha ni Judas ang ulo ni Nicanor at ibinitin sa pader ng kuta bilang katibayan ng tulong na ibinigay ng Panginoon.
36 Nagkaisa ang lahat na aalalahanin nila ang araw na ito at ipagdiriwang tuwing ika-13 araw ng ika-12 buwan ng taon na tinatawag na buwan ng Adar sa wikang Aramaico, at ang araw na ito ay bisperas ng Araw ni Mordecai.
37 Ang kasaysayan ni Nicanor ay nagwakas sa ganitong paraan. Mula noo'y nanatili sa kamay ng mga Judio ang lunsod, kaya't dito ko na rin tatapusin ang aking pagsasalaysay.
38 Kung ang pagkakasulat ko nito ay maayos at madaling maintindihan, ito ang nais kong mangyari. Kung hindi naman, ginawa ko na ang lahat ng aking makakaya.
39 Hindi mabuti ang uminom ng purong alak o tubig lamang ngunit ang pinaghalo nito ay masarap at nakakasiyang inumin. Gayon din, ang kasaysayang isinulat nang maayos ay nakakasiya sa bumabasa nito. Sa ganitong diwa, winawakasan ko ang kasaysayang ito.