1 “Sa talaan ng kasaysayan ay mababasa na hindi lamang inutusan ni Propeta Jeremias ang mga dinalang-bihag na magdala ng apoy na nabanggit.
2 Itinuro din niya sa kanila ang Kautusan at pinaalalahanan sila na maaaring mailigaw ang kanilang isipan kapag nakita nila ang mga napapalamutiang mga rebultong pilak at ginto.
3 Sinabi niya na mag-ingat sila upang huwag mapalayo sa utos ng Diyos.
4 “Nakatala rin sa kasaysayang iyon na, dahil sa utos ng Diyos, ipinag-utos ng propeta na dalhin kasunod niya ang Toldang Tagpuan at ang Kaban ng Tipan. Pagkatapos, humiwalay siya at umakyat sa bundok na inakyat ni Moises upang matanaw ang lupang pangako.
5 Sa bundok ay nakakita si Jeremias ng isang yungib at doon niya dinala ang Tolda, ang Kaban ng Tipan at ang altar na sunugan ng insenso. Tinakpan niya ang yungib matapos maipasok ang mga dala niya.
6 “May ilan siyang kasamahan na nagtangkang sumunod sa kanya para tandaan ang landas na kanyang dinaanan, ngunit hindi nila matunton iyon.