11 Noo'y sinabi ni Moises, ‘Natupok ang handog para sa kapatawaran ng kasalanan sapagkat hindi ito kinakain.’
12 Walong araw ding ipinagdiwang ni Solomon ang Pista.
13 “Ang mga pangyayaring ito'y nababanggit din sa talaang bayan at sa pansariling talaan ni Nehemias. Nagtayo si Nehemias ng isang aklatan at doo'y tinipon niya ang mga aklat tungkol sa hari, at ang mga sinulat ng mga propeta at ni David; mayroon pang mga sulat buhat sa palasyo tungkol sa mga banal na handog.
14 Tinipon naman ni Judas ang mga aklat na nagkahiwa-hiwalay dahil sa digmaan, kaya mayroon tayo ngayong mga sipi ng mga iyon.
15 Magpadala lamang kayo ng kukuha, kung inyong kakailanganin ito.
16 “Malapit na ang pagdiriwang ng pagdalisay sa Templo kaya kami'y sumulat sa inyo upang ipaalala na ipagdiwang din ninyo ito.
17 Ang Diyos ang nagligtas sa kanyang mga lingkod at siya rin ang nagbigay na muli sa atin ng lupaing banal, ng ating kaharian, ng paglilingkod sa kanya bilang pari, at ng pagsamba sa templo