19 Ito ang kasaysayan ni Judas Macabeo at ng kanyang mga kapatid, na itinala ni Jason ng Cirene sa limang sulat. Kasama rin dito ang ulat tungkol sa pagdalisay sa templo, ang pagtatalaga ng altar,
20 ang pakikibaka laban kay Antioco Epifanes at sa anak nitong si Eupator,
21 at ang pangitain ng kalangitan na nakita ng mga bayaning nagtanggol sa pananampalatayang Judio. Totoong iilan nga sila, subalit naagaw nila sa mga kaaway ang buong lupain at napalayas nila ang mga Hentil.
22 Nabawi nila ang templong naging bantog sa daigdig. Sila rin ang nagpalaya sa lunsod ng Jerusalem at nagpaalala tungkol sa mga kautusang halos hindi na sinusunod. Hindi ipinagkait ng Panginoon ang kanyang tulong sa kanila.
23 Napakahaba ng kasaysayang ito na sinulat ni Jason sa kanyang limang aklat, ngunit sisikapin kong mailagay sa isa lamang aklat.
24 Ang sinumang naghahangad umunawa ng kasaysayang ito ay lubhang mahihirapan dahil sa napakaraming pangyayaring iniuulat.
25 Kaya't sisikapin kong ayusin upang hindi ito mahirap basahin, at para madaling sauluhin ng sinumang nais magsaulo nito.