24 Ang sinumang naghahangad umunawa ng kasaysayang ito ay lubhang mahihirapan dahil sa napakaraming pangyayaring iniuulat.
25 Kaya't sisikapin kong ayusin upang hindi ito mahirap basahin, at para madaling sauluhin ng sinumang nais magsaulo nito.
26 Hindi magaang gampanan ang gawaing ito; nakakapagod ito at madalas kang puyat.
27 Katulad ko'y isang naghahanda ng malaking salu-salo na nais dulutan ng kasiyahan ang lahat. Ngunit sa ikasisiya ng madla, handa akong magtiis ng hirap.
28 Sa gagawin kong ito'y hindi ko sisikaping ilahad ang maliliit na sangkap ng salaysay ng unang sumulat, kundi iyon lamang buod ng mga pangyayari.
29 Ang arkitekto'y nag-uukol ng pansin sa buong gusali, subalit binibigyang-pansin lamang ng nagpapalamuti ang mga kailangang pagandahin. At ganito nga ang aking gagawin.
30 Ang mananalaysay ay nagsasaliksik at nagsisiyasat nang lubusan bago isulat ang kasaysayan.