9 “Nabanggit din sa kasaysayan na ang matalinong si Haring Solomon ay nag-alay ng handog nang maganap ang pagtatalaga sa nayaring templo.
10 Nakatala rin sa kasaysayan na pagkatapos niyang manalangin, bumabâ ang apoy mula sa langit at tinupok ang kanyang handog, tulad ng nangyari nang si Moises ay manalangin noong unang panahon.
11 Noo'y sinabi ni Moises, ‘Natupok ang handog para sa kapatawaran ng kasalanan sapagkat hindi ito kinakain.’
12 Walong araw ding ipinagdiwang ni Solomon ang Pista.
13 “Ang mga pangyayaring ito'y nababanggit din sa talaang bayan at sa pansariling talaan ni Nehemias. Nagtayo si Nehemias ng isang aklatan at doo'y tinipon niya ang mga aklat tungkol sa hari, at ang mga sinulat ng mga propeta at ni David; mayroon pang mga sulat buhat sa palasyo tungkol sa mga banal na handog.
14 Tinipon naman ni Judas ang mga aklat na nagkahiwa-hiwalay dahil sa digmaan, kaya mayroon tayo ngayong mga sipi ng mga iyon.
15 Magpadala lamang kayo ng kukuha, kung inyong kakailanganin ito.