43 Dahil sa nangyaring ito, si Menelao ay isinakdal ng mga mamamayan.
44 Kaya't nang dumating sa Tiro ang hari, nagsugo roon ang Senado ng mga Judio ng tatlong kinatawan upang magharap sa hari ng sakdal laban kay Menelao.
45 Nakita ni Menelao na wala siyang panalo, kaya't sinuhulan niya ng malaking halaga si Tolomeo na anak ni Dorimenes para himuking pumanig sa kanya ang hari.
46 Ang hari ay ipinasyal ni Tolomeo sa liwasan para sumagap ng sariwang hangin. Nahimok nga niyang magbago ng isip ang hari.
47 Dahil dito, si Menelao ay pinatawad ng hari sa halip na parusahan. Ang pinarusahan pa ng kamatayan ay ang tatlong walang kasalanang sugo, na kung ang malulupit na Escita ang lumitis sa kanila ay tiyak na makakalaya.
48 Iyon ang sinapit ng mga nagmamalasakit sa lunsod, sa kapakanan ng mga mamamayan, at alang-alang sa dangal ng mga sagradong kagamitan.
49 Ilan sa mga taga-Tiro ang nagalit sa pangyayaring ito; binigyan nila ng isang maringal na libing ang mga sugo.