21 “Dumating sa akin ang karamdamang taglay ko ngayon nang ako'y pabalik buhat sa Persia kaya't naisip ko na dapat akong gumawa ng hakbang para sa kapakanan ninyong lahat.
22 Hindi ito nangangahulugang nababahala ako sa aking kalagayan. Malaki pa ang pag-asa kong ako'y gagaling.
23 Ngunit naaalala ko ang ginagawa ng aking ama noong araw, tuwing pupunta siya sa silangan ng Eufrates. Pumipili agad siya ng kahalili
24 upang kung may mangyaring hindi inaasahan, alam na agad ng mga tao kung sino ang mamamahala sa kanila. Sa gayon, hindi sila mababahala.
25 Ang isa pa, alam kong ang mga kaharian sa paligid natin ay laging nag-aabang sa anumang mangyayari. Dahil dito, inilalagay kong kapalit ang aking anak na si Antioco bilang hari, kung saka-sakaling may mangyari sa akin. Siya ang aking pinagkakatiwalaan at laging ipinagmamalaki sa inyo na hahalili sa akin tuwing ako'y biglaang umaalis para dumalaw sa mga karatig na lalawigan. Padadalhan ko rin siya ng isang sipi ng sulat na ito.
26 Nakikiusap ako na sana'y panatilihin ninyo ang mabuting pakikisama ninyo sa akin at sa aking anak, at alalahanin ang mga kabutihang ibinabahagi ko sa inyo, hindi lamang sa bawat isa sa inyo kundi sa buong bansa.
27 Nananalig akong susundin ng aking anak ang mga patakaran ko sa pamamahala at magiging maunawain siya at mabait sa pakikitungo sa inyo.”