24 Si Arfaxad ang ama ni Selah na ama naman ni Heber.
25 Dalawa ang anak ni Heber: ang isa'y tinawag na Peleg, sapagkat noong panahon niya ay nagkahiwa-hiwalay ang mga tao sa daigdig; ang kapatid niya ay si Joctan.
26 Si Joctan ang ama nina Almodad, Shelef, Hazarmavet, Jerah,
27 Hadoram, Uzal, Dikla,
28 Obal, Abimael, Sheba,
29 Ofir, Havila at Jobab. Sila ang mga anak na lalaki ni Joctan.
30 Mula sa Mesha hanggang Sefar sa kaburulan sa silangan ang lawak ng kanilang lupain.