8 Si Nimrod, isa pang anak na lalaki ni Cus, ang kauna-unahan sa daigdig na naging dakila at makapangyarihan.
9 Siya rin ang pinakamahusay na mangangaso dahil sa tulong ni Yahweh, kaya may kasabihang: “Maging mahusay ka sanang mangangaso tulad ni Nimrod, sa tulong ni Yahweh.”
10 Kabilang sa kauna-unahang kaharian na sakop niya ang Babilonia, Erec at Acad, pawang nasa lupain ng Sinar.
11 Mula rito'y pumunta siya sa Asiria at itinatag ang mga lunsod ng Nineve, Rohobot-ir, Cale
12 at ang Resen sa pagitan ng Nineve at Cale, ang pangunahing lunsod.
13 Si Egipto ang ama ng mga taga-Lud, Anam, Lehab at Naftuh,
14 gayon din ng mga taga-Patrus, Casluh at Caftor na pinagmulan ng mga Filisteo.