11 di na magtatagal, ika'y magsisilang,Ismael ang sa kanya'y iyong ipangalan,sapagkat dininig ni Yahweh ang iyong karaingan.
12 Ngunit ang anak mo'y magiging mailap, hayop na asno ang makakatulad;maraming kalaban, kaaway ng lahat,di makikisama sa mga kaanak.”
13 Kaya't nasabi ni Hagar sa sarili, “Talaga bang nakita ko rito ang Diyos na nakakakita sa akin at hanggang ngayo'y buháy pa rin ako?” Kaya't tinawag niya si Yahweh nang ganito: “Ikaw ang Diyos na Nakakakita.”
14 Kaya't ang balon sa pagitan ng Kades at Bered ay tinawag nilang, “Balon ng Diyos na Buháy at Nakakakita sa Akin.”
15 Nagsilang nga si Hagar ng isang anak na lalaki kay Abram at ito'y pinangalanan nitong Ismael.
16 Noo'y walumpu't anim na taon na si Abram.