5 Hindi na Abram ang itatawag sa iyo kundi Abraham, sapagkat ngayo'y ginagawa kitang ama ng maraming bansa.
6 Pararamihin ko nga ang iyong lahi at magtatatag sila ng mga bansa; at may magiging hari sa kanila.
7 “Tutuparin ko ang aking pangako sa iyo at sa iyong lahi habang panahon, at ako'y magiging Diyos ninyo.
8 Ibibigay ko sa iyo at sa iyong magiging lahi ang lupaing ito ng Canaan na iyong tinitirhan ngayon bilang isang dayuhan. Ito ang magiging pag-aari nila sa habang panahon, at ako ang kanilang magiging Diyos.”
9 Sinabi pa ng Diyos kay Abraham, “Ikaw at ang lahat ng susunod mong salinlahi ay dapat maging tapat sa ating kasunduan.
10 Ganito ang inyong gagawin: lahat ng lalaki sa inyo ay tutuliin,
11 at iyan ang magiging palatandaan ng ating tipan.