59 Kaya si Rebeca at ang kanyang yaya ay pinahintulutan nilang sumama sa alipin ni Abraham at sa mga kasama nito,
60 matapos basbasan nang ganito:“Ikaw nawa, O Rebeca ay maging ina ng marami,at sa lunsod ng kaaway, ang iyong lahi ang magwagi.”
61 Nang handa na ang lahat, si Rebeca at ang mga utusan niyang babae ay sumakay sa kamelyo, at umalis kasunod ng alipin ni Abraham.
62 Nang panahong iyon, si Isaac ay naninirahan sa lupain ng Negeb. Minsan, napadako siya sa ilang ng Beer-lahai-roi.
63 Nang magtatakip-silim, siya'y namasyal sa kaparangan at nakita niyang may dumarating na mga kamelyo.
64 Natanaw ni Rebeca si Isaac kaya't bumabâ siya sa sinasakyang kamelyo,
65 lumapit sa aliping sumundo sa kanya at nagtanong, “Sino ang lalaking iyan na papalapit sa atin?”“Siya po ang aking panginoon,” sagot nito. Kumuha ng belo si Rebeca at tinakpan ang kanyang mukha.