23 Hindi niya nakilala si Jacob, sapagkat ang mga bisig nito'y mabalahibo ring tulad ng kay Esau. Babasbasan na sana ni Isaac si Jacob,
24 ngunit muli pang nagtanong, “Ikaw nga ba si Esau?”“Ako nga po,” tugon ni Jacob.
25 Kaya't sinabi ni Isaac, “Kung gayon, akin na ang pagkain at pagkakain ko'y babasbasan kita.” Iniabot ni Jacob ang pagkain at binigyan din niya ng alak.
26 “Halika anak, at hagkan mo ako,” sabi ng ama.
27 Nang lumapit si Jacob upang hagkan ang ama, naamoy nito ang kanyang kasuotan, kaya't siya'y binasbasan:“Ang masamyong halimuyak ng anak ko,ang katulad ay samyo ng kabukirang si Yahweh ang nagbasbas;
28 Bigyan ka nawa ng Diyos, ng hamog buhat sa itaas,upang tumaba ang lupa mo't ikaw nama'y makaranasng saganang pag-aani at katas ng ubas.
29 Hayaan ang mga bansa'y gumalang at paalipin;bilang pinuno, ikaw ay kilalanin.Igagalang ka ng mga kapatid mo,mga anak ng iyong ina ay yuyuko sa iyo.Sila nawang sumusumpa sa iyo ay sumpain din,ngunit ang nagpapala sa iyo ay pagpalain.”