20 Ipinasabi rin niya sa mga ito na siya'y kasunod nila. Inisip ni Jacob na sa ganitong paraa'y patatawarin siya ni Esau, kung sila'y magtagpo, dahil sa mga regalong padala niya.
21 Ang mga regalong ito'y nauna sa kanya; nagpahinga muna siya sa kanyang kampo nang gabing iyon.
22 Nang gabi ring iyon, gumising si Jacob at itinawid sa Ilog Jabok ang dalawa niyang asawa, labing-isang anak at dalawang asawang-lingkod.
23 Pagkatapos maitawid ang lahat niyang ari-arian,
24 naiwang mag-isa si Jacob.Doon, nakipagbuno sa kanya ang isang lalaki hanggang sa pagbubukang-liwayway.
25 Nang maramdaman ng lalaki na hindi niya madadaig si Jacob, hinampas niya ito sa balakang at ang buto nito'y nalinsad.
26 Sinabi ng lalaki, “Bitiwan mo na ako at magbubukang-liwayway na!”“Hindi kita bibitiwan hangga't hindi mo ako binabasbasan,” wika ni Jacob.