26 Ang pitong matatabang baka po ay pitong taon; iyon din po ang kahulugan ng pitong uhay na matataba ang butil.
27 Ang sinasabi ninyong pitong payat na baka at ang pitong uhay na payat ang mga butil ay pitong taon ng taggutom.
28 Gaya ng sinabi ko sa inyo, iyan po ang gagawin ng Diyos.
29 Magkakaroon ng pitong taóng kasaganaan sa buong Egipto.
30 Ang kasunod naman nito'y pitong taon ng taggutom at dahil sa kapinsalaang idudulot nito, malilimutan na sa Egipto ang nagdaang panahon ng kasaganaan.
31 Mangyayari ito dahil sa katakut-takot na hirap na daranasin sa panahon ng taggutom.
32 Dalawang ulit po ang inyong panaginip, mahal na Faraon, upang ipaalam sa inyo na itinakda na ng Diyos ang bagay na ito, at malapit na niya itong isagawa.