23 Ngunit ang sabi naman ninyo'y hindi na ninyo kami tatanggapin dito kung hindi namin siya maihaharap sa inyo.
24 “Ang lahat ng ito'y sinabi namin sa aming ama nang umuwi kami.
25 Muli kaming inutusan ng aming ama na pumarito upang bumili ng kaunting pagkain.
26 Ipinaalala namin sa kanya na hindi ninyo kami tatanggapin kung hindi kasama ang bunso naming kapatid.
27 Sinabi po niya sa amin, ‘Alam naman ninyong dalawa lamang ang anak ng kanilang ina.
28 Wala na ang isa; maaaring siya'y niluray ng mabangis na hayop.
29 At kung ang natitira ay isasama pa ninyo, maaaring mamatay ako sa dalamhati.’