14 “Malakas na asno ang katulad mo, Isacar,ngunit sa kulungan ka maglulumagak.
15 Nang kanyang makita iyong pahingahan,ang lupain doo'y tunay na mainam,tiniis na niyang makuba sa pasan,nagpaalipin na kahit mahirapan.
16 “Si Dan ay magiging isang pangunahin,katulad ng ibang pinuno ng Israel.
17 Ahas na mabagsik sa tabi ng daan,na handang tumuklaw sa kabayong daraan;upang maihulog iyong taong sakay.
18 “Sa pagliligtas mo, O Diyos, ako'y maghihintay.
19 “Haharangin si Gad ng mga tulisan,lalabanan niya at magtatakbuhan.
20 “Ang bukid ni Asher ay pag-aanihanng mga pagkain ng taong marangal.