23 Mga mangangaso ang nagpapahirap,hinahabol siya ng palaso't sibat.
24 Subalit ang iyong busog ay mananatiling malakas,ang iyong mga bisig ay palalakasin,ang dahilan nito'y ang Diyos ni Jacob,pastol ng Israel, matibay na muog.
25 Diyos ng iyong ama'y siyang sasaklolo,ang Makapangyarihang Diyos magbabasbas saiyo.Magbuhat sa langit, bubuhos ang ulan,malalim na tubig sa lupa'y bubukal;dibdib na malusog, pati bahay-bata'y pagpapalain di't kanyang babasbasan.
26 Darami ang ani, bulaklak gayon din,maalamat na bundok ay pagpapalain;pati mga burol magkakamit-aliw.Pagpapalang ito nawa ay makamit ni Joseng nawalay sa mga kapatid.
27 “Tulad ni Benjami'y lobong pumapatay,sumisila ito ng inaalmusal.Kung gabi, ang huli'y pinaghahatian.”
28 Ito ang labindalawang anak ni Israel, at gayon sila binasbasan ng kanilang ama ayon sa basbas na angkop sa kanila.
29 Pagkatapos, sinabi ni Jacob sa kanyang mga anak, “Ngayo'y papanaw na ako upang makasama ng mga ninunong namayapa na. Doon ninyo ako ililibing sa pinaglibingan sa aking mga magulang, sa yungib sa bukid ni Efron na Heteo.