12 Sinabi ni Yahweh kay Jeremias, “Sabihin mo sa kanila na ganito ang ipinapasabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel: Punuin ninyo ng alak ang bawat tapayan. Ganito naman ang isasagot nila, ‘Alam namin na dapat punuin ng alak ang bawat tapayan.’
13 Pagkatapos, sasabihin mo sa kanila, ‘Ang mga tao sa lupaing ito ay paiinumin ni Yahweh ng alak hanggang sa sila'y malasing: mula sa mga hari na mga salinlahi ni David, mga pari, mga propeta, at lahat ng tao sa Jerusalem.
14 At pagkatapos, pag-uumpug-umpugin ko silang parang mga tapayan hanggang madurog na lahat, matatanda't mga bata. Hindi ko sila kahahabagan kaunti man kapag ginawa ko ito.’”
15 Mga Israelita, si Yahweh ay nagpahayag na!Magpakumbabá kayo at siya'y dinggin.
16 Parangalan ninyo si Yahweh na inyong Diyos,bago niya palaganapin ang kadiliman,at bago kayo madapa sa mga bundok kapag dumilim na;bago niya gawing matinding kadilimanang liwanag na inaasahan ninyo.
17 Ngunit kung hindi kayo makikinig,palihim akong tatangis dahil sa inyong kapalaluan;buong kapaitan akong iiyak, at tutulo ang aking mga luhasapagkat nabihag ang bayan ko.
18 Sinabi ni Yahweh kay Jeremias, “Sabihin mo sa hari at sa kanyang inang reyna na bumabâ na sa kanilang trono sapagkat naalis na sa kanilang ulo ang magaganda nilang korona.