Jeremias 14:15-21 MBB05

15 Ito ang gagawin ko sa mga propetang hindi ko sinugo ngunit nagpapahayag sa aking pangalan at nagsasabing hindi daranas ng taggutom ang lupain—lilipulin ko sila sa pamamagitan ng digmaan at taggutom.

16 Pati ang mga taong pinagsabihan nila ng mga bagay na ito ay masasawi sa digmaan at sa taggutom. Itatapon sa mga lansangan ng Jerusalem ang kanilang mga bangkay, at walang maglilibing sa kanila. Ganyan ang mangyayari sa kanilang lahat kasama ang kanilang mga asawa't mga anak. Pagbabayarin ko sila sa kanilang kasamaan.”

17 Inutusan ni Yahweh si Jeremias na ipaalam sa bayan ang kanyang kalungkutan; at sabihin,“Araw-gabi'y hindi na ako titigil ng pag-iyak;sapagkat malalim ang sugat ng aking bayan,sila'y lubhang nasaktan.

18 Kapag lumabas ako sa kabukiran,nakikita ko ang mga nasawi sa digmaan;kapag ako'y pumunta sa mga bayan,naroon naman ang mga taong namamatay sa gutom.Patuloy sa kanilang gawain ang mga propeta at mga pari,subalit hindi nila alam kung ano ang kanilang ginagawa.”

19 Yahweh, lubusan mo na bang itinakwil ang Juda?Kinapootan mo na ba ang mga taga-Zion?Bakit ganito kalubha ang parusa mo sa amin,parang wala na kaming pag-asang gumaling?Naghanap kami ng kapayapaan ngunit nabigo kami;umasa kaming gagaling ngunit sa halip takot ang dumating.

20 Yahweh, kinikilala namin ang aming kasamaan,at ang pagtataksil ng aming mga magulang;kaming lahat ay nagkasala sa iyo.

21 Huwag mo kaming itakwil, alang-alang sa iyong pangalan;huwag mong itulot na mapahiya ang Jerusalem,ang kinalalagyan ng marangal mong trono.Alalahanin mo ang ating kasunduan; huwag mo sana itong sirain.