19 Yahweh, lubusan mo na bang itinakwil ang Juda?Kinapootan mo na ba ang mga taga-Zion?Bakit ganito kalubha ang parusa mo sa amin,parang wala na kaming pag-asang gumaling?Naghanap kami ng kapayapaan ngunit nabigo kami;umasa kaming gagaling ngunit sa halip takot ang dumating.
20 Yahweh, kinikilala namin ang aming kasamaan,at ang pagtataksil ng aming mga magulang;kaming lahat ay nagkasala sa iyo.
21 Huwag mo kaming itakwil, alang-alang sa iyong pangalan;huwag mong itulot na mapahiya ang Jerusalem,ang kinalalagyan ng marangal mong trono.Alalahanin mo ang ating kasunduan; huwag mo sana itong sirain.
22 Hindi makakagawa ng ulan ang mga diyus-diyosan ng alinmang bansa;hindi makapagpapaambon man lamang ang mga langit.Nasa iyo, O Yahweh, ang aming pag-asa,sapagkat ikaw lamang ang makakagawa ng mga bagay na ito.