2 “Nananangis ang Juda, naghihingalo ang kanyang mga lunsod,nakahandusay sa lupa ang mga tao dahil sa matinding kalungkutan,at napapasaklolo ang Jerusalem.
3 Inutusan ng mayayaman ang kanilang mga alipin upang kumuha ng tubig;nagpunta naman ang mga ito sa mga balon,ngunit wala silang nakuhang tubig doon;kaya nagbalik sila na walang laman ang mga banga.Dahil sa kahihiyan at kabiguanay tinatakpan nila ang kanilang mukha,
4 sapagkat bitak-bitak na ang lupa.Tuyung-tuyo na ang lupain dahil hindi umuulan,nanlupaypay ang mga magbubukid,kaya sila'y nagtalukbong na lang ng mukha.
5 Iniwan na ng inahing usa ang kanyang anak na bagong silang,sapagkat wala ng sariwang damo sa parang.
6 Umakyat sa mga burol ang mga asnong maiilap,humihingal na parang mga asong-gubat;nanlalabo ang kanilang paningindahil sa kawalan ng pagkain.
7 Nagsumamo sa akin ang aking bayan:‘Yahweh, bagaman inuusig kami ng aming mga kasalanan,gayunman, kami'y tulungan mo gaya ng iyong pangako.Tunay na maraming beses na kaming tumalikod;kami ay nagkasala laban sa iyo.
8 Ikaw ang tanging pag-asa ng Israel,ikaw lamang ang makakapagligtas sa amin sa panahon ng kagipitan.Bakit para kang dayuhan sa aming bayan,parang isang manlalakbay na nakikitulog lamang?