5 Iniwan na ng inahing usa ang kanyang anak na bagong silang,sapagkat wala ng sariwang damo sa parang.
6 Umakyat sa mga burol ang mga asnong maiilap,humihingal na parang mga asong-gubat;nanlalabo ang kanilang paningindahil sa kawalan ng pagkain.
7 Nagsumamo sa akin ang aking bayan:‘Yahweh, bagaman inuusig kami ng aming mga kasalanan,gayunman, kami'y tulungan mo gaya ng iyong pangako.Tunay na maraming beses na kaming tumalikod;kami ay nagkasala laban sa iyo.
8 Ikaw ang tanging pag-asa ng Israel,ikaw lamang ang makakapagligtas sa amin sa panahon ng kagipitan.Bakit para kang dayuhan sa aming bayan,parang isang manlalakbay na nakikitulog lamang?
9 Bakit para kang isang taong nabigla,parang kawal na walang tulong na magawâ?Ngunit ang totoo, O Yahweh, kasama ka namin;kami ay iyong bayan,huwag mo kaming pabayaan.’”
10 Ang sabi ni Yahweh tungkol sa mga taong ito, “Ginusto nilang lumayo sa akin, at walang nakapigil sa kanila. Kaya naman hindi ako nalulugod sa kanila. Hindi ko malilimot ang masasama nilang gawa, at paparusahan ko sila dahil sa kanilang mga kasalanan.”
11 At sinabi sa akin ni Yahweh, “Huwag mong hilingin sa akin na tulungan ko ang mga taong ito.