18 Kaya ganito ang sabi ni Yahweh tungkol kay Jehoiakim, anak ni Haring Josias ng Juda:“Walang tatangis sa kanyang pagpanaw o magsasabing,‘Mahal kong kapatid! O, ang kapatid ko!’Wala ring tatangis para sa kanya, at sisigaw ng,‘O, panginoon! O aking hari!’
19 Ililibing siyang tulad sa isang patay na asno;kakaladkarin at ihahagis sa labas ng pintuang-bayan ng Jerusalem.”
20 Umakyat kayo sa Lebanon at humiyaw,sumigaw kayo hanggang sa marinig sa Bashan ang inyong tinig.Kayo'y manangis mula sa tuktok ng Bundok Abarim,sapagkat nilipol nang lahat ang kapanalig ninyo.
21 Nagsalita ako sa inyo noong kayo'y masagana,subalit hindi kayo nakinig.Ganyan na ang ugali ninyo mula pa sa inyong kabataan;kahit minsan ay hindi kayo sumunod sa akin.
22 Tatangayin ng malakas na hangin ang inyong mga pinuno;mabibihag ang lahat ng nagmamahal sa inyo.Wawasakin ang lunsod ninyo at kayo'y mapapahiyadahil sa inyong masasamang gawa.
23 Kayong nakatira sa mga bahay na yari sa sedar buhat sa Lebanon,kaawa-awa kayo sa hirap na daranasin ninyo pagdating ng panahon,gaya ng hirap ng babaing manganganak!
24 Sinabi ni Yahweh, “Kung ikaw man, Conias, anak ni Haring Jehoiakim ng Juda, ay naging singsing na aking pantatak, huhugutin kita sa aking daliri.