16 At kung dumami na kayo sa lupaing iyon, hindi na pag-uusapan ng mga tao ang tungkol sa Kaban ng Tipan ni Yahweh. Hindi na nila ito iisipin o aalalahanin. Hindi na rin nila ito kakailanganin o gagawa ng isa pa.
17 Sa araw na iyon, ang Jerusalem ay tatawaging “Luklukan ni Yahweh”. Lahat ng bansa'y magkakatipon doon upang sambahin ako. Hindi na nila gagawin ang kasamaang kanilang gustong gawin.
18 Magkakaisa ang Israel at ang Juda. Magkasama silang babalik mula sa hilaga at maninirahan sa lupaing ibinigay ko sa inyong mga magulang, upang maging kanila magpakailanman.”
19 Sinabi ni Yahweh,“Itinuring kitang anak, Israel,at binigyan ng lupaing pinakamainam sa lahat,sapagkat inakala kong kikilalanin mo akong ama,at hindi ka na tatalikod sa akin.
20 Ngunit gaya ng taksil na asawa, iniwan mo ako.Hindi ka naging tapat sa akin.”
21 May narinig na ingay sa mga kaburulan.Nananangis ang mga taga-Israeldahil sa mabigat nilang kasalanan;at kinalimutan nila si Yahweh na kanilang Diyos.
22 “Manumbalik kayo, mga anak na taksil,” sabi ni Yahweh,“pinapatawad ko na kayo sa inyong mga kasalanan.”Sabihin ninyo: “Oo, lalapit na kami sapagkat si Yahweh ang aming Diyos!