18 “Narinig kong nananaghoy ang mga taga-Efraim:‘Pinarusahan ninyo kamina parang mga guyang hindi pa natuturuan.Ibalik ninyo kami nang kami'y gumaling,sapagkat kayo si Yahweh na aming Diyos.
19 Tumalikod kami sa inyo ngunit ngayo'y nagsisisi na;natuto kami matapos ninyong parusahan.Napahiya kami't nalungkot dahil nagkasala kamisa panahon ng aming kabataan.’
20 “Si Efraim ang aking anak na minamahal,ang anak na aking kinalulugdan.Kung gaano kadalas ko siyang pinaparusahan,gayon ko siya naaalaala.Kaya hinahanap ko siya,at ako'y nahahabag sa kanya.”Ito ang sabi ni Yahweh.
21 “Maglagay ka ng mga batong pananda sa iyong landas;hanapin mo ang daang iyong nilakaran.Magbalik ka, Israel, sa mga lunsod na dati mong tinirhan.
22 Anak ko, hanggang kailan ka pa mag-aalinlangan?Ako, si Yahweh, ay nagtatag ng isang bagong kaayusan:ang babae ang siyang magtatanggol sa lalaki.”
23 Ito ang sabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, ang Diyos ng Israel: “Muling sasabihin ang mga salitang ito sa lupain ng Juda at sa kanyang mga lunsod, kapag ibinalik ko na sila sa kanilang tahanan:‘Pagpapalain ni Yahwehang bundok na banal ng Jerusalem, na kanyang tinatahanan.’
24 Ang mga nagsasaka at mga pastol ay muling magkakasamang maninirahan sa Juda.