5 Muli kang magtatanim ng ubas sa mga burol ng Samaria; magtatanim ang mga magsasaka, at masisiyahan sa ibubunga niyon.
6 Sapagkat darating ang araw na hihiyaw ang mga bantay mula sa kaburulan ng Efraim, ‘Halikayo, umakyat tayo sa Zion, kay Yahweh na ating Diyos.’”
7 Ang sabi ni Yahweh:“Umawit kayo sa kagalakan alang-alang kay Jacob,ipagbunyi ninyo ang pinakadakilang bansa;magpuri kayo at inyong ipahayagna iniligtas ni Yahweh ang kanyang bayan,ang mga nalabi sa Israel.
8 Narito, sila'y ibabalik ko mula sa hilaga;titipunin ko sila mula sa mga sulok ng sanlibutan,kasama ang mga bulag at mga pilay,ang mga inang may anak na pasusuhin, pati ang malapit nang manganak;sila'y babalik na talagang napakarami!
9 Uuwi silang nag-iiyakan habang daan,nananalangin samantalang inaakay ko pabalik.Dadalhin ko sila sa mga bukal ng tubig,pararaanin sa patag na landas upang hindi sila madapa.Sapagkat ang Israel ay aking anak,at si Efraim ang aking panganay.”
10 “Mga bansa, pakinggan ninyo ang sabi ni Yahweh,at ipahayag ninyo sa malalayong lupain:‘Pinapangalat ko ang mga anak ni Israel, ngunit sila'y muli kong titipunin at aalagaan,gaya ng pagbabantay ng isang pastol sa kanyang mga tupa.’
11 Sapagkat tinubos ni Yahweh si Jacob,at pinalaya sa kapangyarihan ng kaaway na higit na malakas sa kanya.