9 Uuwi silang nag-iiyakan habang daan,nananalangin samantalang inaakay ko pabalik.Dadalhin ko sila sa mga bukal ng tubig,pararaanin sa patag na landas upang hindi sila madapa.Sapagkat ang Israel ay aking anak,at si Efraim ang aking panganay.”
10 “Mga bansa, pakinggan ninyo ang sabi ni Yahweh,at ipahayag ninyo sa malalayong lupain:‘Pinapangalat ko ang mga anak ni Israel, ngunit sila'y muli kong titipunin at aalagaan,gaya ng pagbabantay ng isang pastol sa kanyang mga tupa.’
11 Sapagkat tinubos ni Yahweh si Jacob,at pinalaya sa kapangyarihan ng kaaway na higit na malakas sa kanya.
12 Aakyat silang nagsisigawan sa tuwa patungo sa Bundok ng Zion,puspos ng kaligayahan dahil sa mga pagpapala ni Yahweh:saganang trigo, bagong alak at langis,at maraming bakahan at kawan ng tupa.Matutulad sila sa isang halamanang dinidilig,hindi na sila muling magkukulang.
13 Kung magkagayon, sasayaw sa katuwaan ang mga dalaga,makikigalak pati mga binata't matatanda;ang kanilang dalamhati ay magiging tuwa,aaliwin ko sila at papalitan ng kagalakan ang kanilang kalungkutan.
14 Bubusugin ko ng pinakamainam na pagkain ang mga pari,at masisiyahan ang buong bayan sa kasaganaang aking ibibigay.”Ito ang sabi ni Yahweh.
15 Sinabi ni Yahweh:“Narinig sa Rama ang isang tinig—panaghoy at mapait na pagtangistinatangisan ni Raquel ang kanyang mga anak.Ayaw niyang paaliw sapagkat patay na sila.”