20 Ang Moab ay napahiya at nanlupaypay;humiyaw kayo at tumangis,ipahayag ninyo hanggang sa Ilog Arnon na winasak na ang Moab!
21 “At ang hatol ay dumating na sa mga lunsod sa mataas na kapatagan: sa Holon, sa Jaza, sa Mefaat,
22 sa Dibon, sa Nebo, sa Beth-diblataim,
23 sa Kiryataim, sa Bethgamul, sa Bethmeon,
24 sa Keriot, sa Bozra at sa lahat ng lunsod ng Moab, malayo man o malapit.
25 Bagsak na ang kapangyarihan ng Moab at siya'y mahina na ngayon, sabi ni Yahweh.”
26 “Lasingin ninyo ang Moab,” sabi ni Yahweh, “sapagkat naghimagsik siya laban sa akin. Bayaan ninyong siya'y gumulong sa sariling suka, at maging tampulan ng katatawanan.