37 Nakaamba ang tabak laban sa kanyang mga kabayo at sa mga karwahe at sa lahat ng hukbo upang panghinaan sila ng loob. Ang lahat ng kanyang kayamanan ay sasamsamin!
38 Matutuyo ang lahat ng kanyang katubigan. Sapagkat ito'y lupain ng mga diyus-diyosan, na luminlang sa mga tao.
39 “Kaya nga, ang maninirahan doon ay mababangis na hayop at mga asong-gubat, gayon din ang mga dambuhalang ibon. Wala nang taong maninirahan doon habang panahon, at hindi na ito pamamayanan ng alinmang lahi.
40 Kung paanong winasak ng Diyos ang Sodoma at Gomorra, at ang mga lunsod na karatig nila, sinasabi ni Yahweh na wala nang maninirahan doon, o makikipamayan sa kanya.
41 “Masdan mo, may dumarating mula sa hilaga;isang bansang makapangyarihan.Maraming hari ang nagbabangon mula sa malayong panig ng daigdig.
42 May mga dala silang busog at sibat,sila'y malulupit at walang habag.Nakasakay sila sa mga kabayo.Ang kanilang mga yabag ay parang ugong ng dagat.Nakahanda sila laban sa Babilonia.
43 Nabalitaan na ng hari ng Babilonia ang tungkol sa kanila,at siya'y nanlupaypay;sinaklot siya ng pagkabalisa,at ng sakit na tulad ng nararamdaman ng isang babaing manganganak.