16 Naririnig hanggang sa lunsod ng Dan ang ingay ng mga kabayo ng kaaway. Nanginginig na sa takot ang buong bansa sa yabag pa lamang ng mga kabayong pandigma. Dumating na ang wawasak sa ating lupain at sa lahat ng naroon; sa ating lunsod at sa lahat ng naninirahan doon.”
17 “Humanda kayo!” sabi ni Yahweh. “Magpapadala ako ng mga ahas na makamandag, mga ulupong na hindi mapaaamo, upang kayo'y tuklawin.”
18 Hindi mapapawi ang nadarama kong kalungkutan;nagdurugo ang aking puso.
19 Pakinggan ninyo! Naririnig koang iyakan ng buong bayan,“Wala na ba sa Zion si Yahweh?Wala na ba roon ang hari ng Zion?”At sumagot si Yahweh,“Bakit ninyo ako ginagalit? Bakit kayo sumasamba sa mga diyus-diyosan na hindi ninyo kilala at wala namang kabuluhan?”
20 At sumigaw ang bayan:“Dumaan na ang tag-araw, tapos na rin ang anihan,ngunit hindi pa kami naliligtas!”
21 Para akong sinuntok sa dibdibdahil sa hirap na sinapit ng aking bayan;ako'y nanangis; lubos akong nalilito.
22 Wala na bang panlunas sa Gilead?Wala na bang manggagamot diyan?Bakit hindi gumagaling ang aking bayan?