1 Kayong mga namamahala at may kapangyarihan sa daigdig, mahalin ninyo ang katarungan;taimtim ninyong isipin ang Panginoon,at taus-pusong hanapin siya.
2 Matatagpuan siya ng mga hindi nag-aalinlangan sa kanya.Nagpapakita siya sa mga lubos na nagtitiwala sa kanya.
3 Ngunit ang mga baluktot ang isipan ay di makalalapit sa Diyos.Sinumang hangal na mangahas subukin ang kanyang kapangyarihan ay tiyak na mabibigo.
4 Ang Karunungan ay di papasok sa may masamang kalooban,at di mananahan sa pusong alipin ng kasalanan.
5 Ang tunay na nagpapakabanal ay umiiwas sa mga manlilinlang.Lumalayo siya sa lahat ng nagpapahayag ng kahangalan,at di niya matitiis ang anumang pang-aapi o kawalang-katarungan.