2 Matatagpuan siya ng mga hindi nag-aalinlangan sa kanya.Nagpapakita siya sa mga lubos na nagtitiwala sa kanya.
3 Ngunit ang mga baluktot ang isipan ay di makalalapit sa Diyos.Sinumang hangal na mangahas subukin ang kanyang kapangyarihan ay tiyak na mabibigo.
4 Ang Karunungan ay di papasok sa may masamang kalooban,at di mananahan sa pusong alipin ng kasalanan.
5 Ang tunay na nagpapakabanal ay umiiwas sa mga manlilinlang.Lumalayo siya sa lahat ng nagpapahayag ng kahangalan,at di niya matitiis ang anumang pang-aapi o kawalang-katarungan.
6 Ang Karunungan ay diwang magaan ang loob sa lahat,ngunit hindi niya mapapayagang lapastanganin ang Diyos.Sapagkat alam ng Diyos ang ating mga damdamin at isipan,at naririnig niya ang lahat ng sinasabi natin.
7 Ang Espiritu ng Panginoon ay laganap sa buong sanlibutan,at siya ang nagpapanatili sa lahat ng bagay,kaya alam niya ang bawat katagang sinasalita ng bawat nilalang.
8 Walang makakapagsabi ng di matuwid na di mapapansin ng Panginoon.Batay sa katarungan, lalapatan ito ng angkop na parusa.