16 Pumasok ang Karunungan sa diwa ng isang lingkod ng Panginoon.Kaya't hinarap nito ang mababagsik na hari sa pamamagitan ng mga himala at kababalaghan.
17 Ginantimpalaan niya ang paghihirap ng bayang pinili,at pinatnubayan sa isang kagila-gilalas na paglalakbay.Nililiman niya sila kung araw at tinanglawan kung gabi.
18 Pinangunahan niya sila sa pagtawidsa malalim na tubig ng Dagat na Pula.
19 Ngunit nilunod niya ang kanilang mga kaawayat ibinulusok sa pusod ng dagat.
20 Kaya sinamsaman ng mga banal ang masasama,at umawit po sila ng parangal sa banal mong pangalan, O Panginoon.Pinuri nila ang iyong makapangyarihang kamay.
21 Binuksan ng Karunungan ang bibig ng mga pipi,at maging ang mga sanggol ay matatas na nakapagsalita.