6 Isa pang taong matuwid ang iniligtas ng Karunungan.Pinatakas niya ito sa nasusunog na limang lunsod, samantalang nililipol ang mga tagaroon dahil sa kanilang kasamaan.
7 Ang mga palatandaan ng kasamaan ng lunsod na iyon ay nakikita pa:lupang walang tumutubo at patuloy na umuusok,mga punongkahoy na ang bunga'y hindi mahinog,isang haliging asin, tagapagpaalala sa taong ayaw maniwala.
8 Hindi nila pinahalagahan ang Karunungan,at bilang parusa, nawalan sila ng kakayahang makakilala ng mabuti.Hanggang ngayon ang guho ng kanilang lunsod ay alaala pa ng kanilang kahangalan.Anupa't ang kamalian nila'y di na malilimutan magpakailanman.
9 Ngunit iniligtas ng Diyos sa panganib ang mga naglilingkod sa Karunungan.
10 Ang Karunungan din ang umakaysa pagtakas ng isang taong matuwid sa galit ng kanyang kapatid.Ipinahayag sa kanya na ang Diyos ang siyang hari,at binigyan siya ng pagkaunawa tungkol sa mga bagay na banal,at pinasagana ang kanyang pamumuhay.
11 Nang siya'y dinadaya at ibig agawan ng kabuhayan,tinulungan muli siya ng Karunungan;at sa bandang huli, siya rin ang yumaman.
12 Iningatan siya ng Karunungan laban sa kanyang mga kaaway,at iniligtas sa mga tumatambang sa kanya.Pinagtagumpay siya sa isang mahigpit na paligsahan,upang ipakilala sa kanya na ang pagiging maka-Diyos, ang tanging makakatulong sa tao.