1 Pinapagtagumpay din ng Karunungan ang mga Israelita noong panahon ng banal na propeta.
2 Nilakbay nila ang mga ilang at nagtayo ng toldasa mga dakong hindi pa natitirhan ng tao.
3 Hinarap nila ang kanilang mga kaaway at naitaboy ang mga ito.
4 Nang sila'y mauhaw, tumawag po sila sa iyo, Panginoon,at binigyan mo sila ng tubig, mula sa isang batong buháy.
5 Ang mga pahirap na ginamit mo bilang parusa sa kanilang mga kaawayay pagpapala ring ginamit mo sa panahon ng kanilang pangangailangan.
6 Pinalabo mo ang mga bukal ng kanilang ilog na walang patid ang agos.Bumaho ang tubig at namulang parang dugo.
7 Iyon ang parusa sa utos nilang patayin ang mga sanggol ng iyong bayan.Ngunit ang bayan mo'y binigyan mo ng masaganang tubig sa panahong hindi nila inaasahan,