16 upang malaman nila na ang mga bagay na kinakasangkapan nila sa pagkakasala ang siya mo ring ginagamit sa pagpaparusa.
17 Ang makapangyarihan mong kamayang lumikha sa daigdig mula sa wala.Madali kang makakapagpadala ng mababangis na oso at leon upang maparusahan sila.
18 Maaari ka ring lumikha ng mababangis at di kilalang hayopna bumubuga ng apoy at makapal na usok,at ang mata'y nilalabasan ng apoy na parang kidlat.
19 Maaari kang lumikha ng ganyang mga hayop, na di na kailangang sumalakay para pumatay.Makita lamang ang mga ito, mamamatay na sila sa takot.
20 Ngunit hindi na kailangan ang lahat ng iyan.Maaari mo silang lipulin sa bagsik ng iyong katarungan,o sa isang banayad na ihip ng iyong kapangyarihan.Ngunit mas minabuti mong sukatin, bilangin at timbangin ang lahat mong ginagawa.
21 Maipapakita mo ang iyong kapangyarihan anumang oras,at walang sinumang makakatutol.
22 Sa iyong paningin, para lamang isang butil ng buhangin na hindi halos makatikwas ng timbangan ang buong daigdig;para lamang isang patak ng hamog sa umaga sa pisngi ng lupa.