18 Maaari ka ring lumikha ng mababangis at di kilalang hayopna bumubuga ng apoy at makapal na usok,at ang mata'y nilalabasan ng apoy na parang kidlat.
19 Maaari kang lumikha ng ganyang mga hayop, na di na kailangang sumalakay para pumatay.Makita lamang ang mga ito, mamamatay na sila sa takot.
20 Ngunit hindi na kailangan ang lahat ng iyan.Maaari mo silang lipulin sa bagsik ng iyong katarungan,o sa isang banayad na ihip ng iyong kapangyarihan.Ngunit mas minabuti mong sukatin, bilangin at timbangin ang lahat mong ginagawa.
21 Maipapakita mo ang iyong kapangyarihan anumang oras,at walang sinumang makakatutol.
22 Sa iyong paningin, para lamang isang butil ng buhangin na hindi halos makatikwas ng timbangan ang buong daigdig;para lamang isang patak ng hamog sa umaga sa pisngi ng lupa.
23 Labis-labis ang iyong kapangyarihan para gawin ang anuman, ngunit mahabagin ka sa bawat kinapal.Pinatawad mo ang aming mga kasalanan, at binibigyan mo kami ng panahong makapagsisi.
24 Mahal mo ang lahat ng bagay,at wala kang hinahamak sa iyong mga nilalang.Kung hindi gayon, bakit mo pa sila nilikha?