23 Labis-labis ang iyong kapangyarihan para gawin ang anuman, ngunit mahabagin ka sa bawat kinapal.Pinatawad mo ang aming mga kasalanan, at binibigyan mo kami ng panahong makapagsisi.
24 Mahal mo ang lahat ng bagay,at wala kang hinahamak sa iyong mga nilalang.Kung hindi gayon, bakit mo pa sila nilikha?
25 Walang anumang bagay na mananatili kung hindi mo kalooban,at walang makapagpapatuloy kung hindi mo nilalang.
26 Ipinahintulot mong manatili ang bawat nilikha sapagkat bawat isa ay sa iyo.Ang lahat ng nabubuhay ay mahal mo, Panginoon.