5 Ang mga pahirap na ginamit mo bilang parusa sa kanilang mga kaawayay pagpapala ring ginamit mo sa panahon ng kanilang pangangailangan.
6 Pinalabo mo ang mga bukal ng kanilang ilog na walang patid ang agos.Bumaho ang tubig at namulang parang dugo.
7 Iyon ang parusa sa utos nilang patayin ang mga sanggol ng iyong bayan.Ngunit ang bayan mo'y binigyan mo ng masaganang tubig sa panahong hindi nila inaasahan,
8 matapos silang magdanas ng uhaw sa ilangupang matikman nila ang parusa na ginawa mo sa kanilang mga kaaway.
9 Pinaraan mo sila sa mahigpit na pagsubok; bagaman ang parusang iyon ay may halong habag,upang malaman nila kung paano mo pinahihirapan ang masasama, kapag nagalit ka at sila'y hatulan.
10 Sila'y sinusubok mo bilang babala ng isang ama sa kanilang mga anak,ngunit ikaw ang mahigpit na haring humatol sa mga kaaway.
11 Malayo man o malapit sila sa iyong bayan, pare-pareho mo silang pinahihirapan.