9 Pinaraan mo sila sa mahigpit na pagsubok; bagaman ang parusang iyon ay may halong habag,upang malaman nila kung paano mo pinahihirapan ang masasama, kapag nagalit ka at sila'y hatulan.
10 Sila'y sinusubok mo bilang babala ng isang ama sa kanilang mga anak,ngunit ikaw ang mahigpit na haring humatol sa mga kaaway.
11 Malayo man o malapit sila sa iyong bayan, pare-pareho mo silang pinahihirapan.
12 Sumidhi ang kanilang kalungkutan,at naghinagpis sila habang inaalaala ang mga nangyari.
13 Nang malaman nila na ang kanilang kaparusahan ay naging kapakinabangan sa iyong bayan,nabatid nilang ang mga iyon ay mula sa iyo, Panginoon.
14 Kinutya nila at ayaw pakitunguhan, ang lalaking itinapon noong sanggol pa,ngunit pagkatapos ay hinangaan nila't kinagulatan.Matinding di hamak ang uhaw na dinanas nila kaysa sa uhaw ng mga matuwid.
15 Dala ng kanilang kahibangan at masamang isipan,sumamba sila sa mga ahas at hayop na walang isip.Dahil dito, pinadalhan mo sila ng makapal na hayop na walang isip,