28 Ang mga sumasamba sa diyus-diyosan ay lubusang mawawala sa sarili.Dahil sa sarap ng pagtatalik, o nagsasabi ng kasinungalinganat sinasabing iyon ay pahayag ng Diyos, namumuhay nang masama, at walang atubiling sumisira sa usapan.
29 Sapagkat ang mga larawan ng diyos nila at pinagtiwalaan ay walang buhay.Walang takot silang nanunumpa nang di totoo.
30 Ngunit sapilitang aabutin sila ng parusa sa dalawang dahilan:Una, sapagkat nasira ang pagkilala sa tunay na Diyos nang sumamba sila sa mga diyus-diyosan.Pangalawa, walang galang na nilapastangan nila ang kabanalan nang sila'y manumpa nang di totoo, malinlang lamang nila ang mga tao.
31 Hindi ang kapangyarihan ng kanilang pinanumpaan ang magpaparusa sa mga taong masama.Kundi sapilitang lalapatan sila ng parusang angkop lamang sa mga makasalanan.