8 Ang magpapalayok ay isang tao lamang.Hindi pa nagtatagal na siya'y nilikha mula sa alabok,at pagkatapos ay magbabalik uli sa alabok na pinanggalingan, kapag binawi sa kanya ang hiram niyang buhay.Ngunit inaaksaya niya ang pagod at talino sa paglikha ng isang diyus-diyosang walang kabuluhanmula sa putik na ginagamit niya sa paggawa ng palayok.
9 Hindi niya pansin na maikli lamang ang buhay sa mundo.Nakikipagpaligsahan siya sa mga nagpapanday ng ginto, pilak, at tanso.At ipinagmamalaki niya ang kanyang mga ginagawa, kahit na ang mga ito ay pawang huwad na diyus-diyosan.
10 Ang puso niya'y alabok lamang.Mahalaga pa ang alabok kaysa kanyang pag-asa,at ang putik na ginagamit niya'y mahalaga pa kaysa sa kanyang buhay,
11 sapagkat hindi niya nakilala ang Diyos na humugis sa kanya,at nagbigay sa kanya ng kaluluwang nagpapasigla—ang Diyos na nagkaloob sa kanya ng espiritung nagbibigay-buhay.
12 Ang buhay ng tao sa balat ng lupa'y isang laro lamang,o isang pamilihang mapagkukunan ng pakinabang.Kinakailangang siya'y magkamal ng maraming salapi kahit sa anong paraan—kahit sa masama.Iyan ang kanyang paniwala.
13 Alam niya—higit sa sinuman—na siya'y nagkakasala sa paggawa ng mga diyus-diyosanat marurupok na sisidlan mula sa iisang uri ng luwad.
14 Ngunit, Panginoon, lalong hangal—hangal pa kaysa sanggol na walang muwang—ang mga kaaway na nagmalupit sa iyong bayan.