17 Ito ang kahanga-hanga: ang apoy ay lalong naglagablab sa gitna ng tubig na siyang ipinampapatay sa apoy.Ang buong sansinukob ay tumulong upang ipagtanggol ang mga matuwid.
18 Sa isang pagkakataon ang ningas ay biglang namatay,nang hindi mamatay ang mga hayop na ipinadala mo upang parusahan ang mga taong iyon.Sa gayon ay ipinakita mo sa kanilana sila'y inuusig ng parusa ng Diyos.
19 Ngunit sa iba namang pagkakataon, ang apoy ay lalo pang naglagablab nang palibutan ng tubig,upang sirain ang ani sa lupain ng mga makasalanan.
20 Ngunit ang bayan mo'y hindi nahirapan nang ganyan; sa halip, pinadalhan mo sila ng pagkain ng mga anghel.Mula sa langit, binigyan mo sila ng tinapay na hindi na kailangang iluto kundi handa nang kainin;pagkaing naging kasiya-siya sa lahat, kahit na ano ang kanilang panlasa.
21 Dito nakikita kung gaano ang pagkalinga mo sa iyong mga anak.Nagustuhan ng lahat ang pagkaing iyon,sapagkat nagbabago ang lasa ayon sa nais na lasa ng bawat kumakain.
22 Ang pagkaing iyon ay dapat sanang natunaw na gaya ng yelo o niyebe,ngunit hindi natunaw kahit lutuin sa apoy.Dito'y ipinakilala mo sa iyong bayan na ang apoy na tumupok sa ani ng kanilang kaaway, samantalang umuulan ng yelo,
23 ay siya ring apoy na inalisan mo ng kapangyarihan,upang sila'y may makain.