22 Ang pagkaing iyon ay dapat sanang natunaw na gaya ng yelo o niyebe,ngunit hindi natunaw kahit lutuin sa apoy.Dito'y ipinakilala mo sa iyong bayan na ang apoy na tumupok sa ani ng kanilang kaaway, samantalang umuulan ng yelo,
23 ay siya ring apoy na inalisan mo ng kapangyarihan,upang sila'y may makain.
24 Ikaw ang lumikha sa sansinukob, at ang lahat ay nasa ilalim ng iyong kapangyarihan.Ginagamit ng kalikasan ang kanyang lakas upang parusahan ang masasama,ngunit siya'y banayad at maamo sa mga nagtitiwala sa iyo.
25 Ang kalikasan ay nag-angkin ng lahat ng anyo,upang ipakita kung paano mo pinangangalagaan ang lahat ng tumatawag sa iyo.
26 Nangyari ang lahat ng ito, Panginoon, upang maunawaan ng bayan mong minahal,na hindi sila mabubuhay sa pamamagitan lamang ng kanilang mga tanim.Ang iyong salita ang nagbibigay-buhay sa lahat ng umaasa sa iyo.
27 Ang pagkaing hindi natupok sa apoyay natunaw sa unang sinag ng araw.
28 Dito'y tinuruan mo kaming bumangon bago magbukang-liwayway,at magpasalamat sa iyo at manalangin sa pagsikat ng araw.