26 Nangyari ang lahat ng ito, Panginoon, upang maunawaan ng bayan mong minahal,na hindi sila mabubuhay sa pamamagitan lamang ng kanilang mga tanim.Ang iyong salita ang nagbibigay-buhay sa lahat ng umaasa sa iyo.
27 Ang pagkaing hindi natupok sa apoyay natunaw sa unang sinag ng araw.
28 Dito'y tinuruan mo kaming bumangon bago magbukang-liwayway,at magpasalamat sa iyo at manalangin sa pagsikat ng araw.
29 Ang pag-asa ng taong di marunong tumanaw ng utang na loob ay matutunaw na parang hamog na nagyelo,at aagos na parang tubig na di pinakinabangan.