1 Kahanga-hanga, Panginoon, ang iyong mga hatol at mahirap ipaliwanag;kaya, ang mga hindi nag-aral nito karaniwa'y naliligaw.
2 Noong inaakala ng mga taong di kumikilala ng batas na bihag nila ang bayan mong banal,sa katotohana'y sila ang nakabilanggo sa karimlan ng gabi,nakukulong sa ilalim ng kanilang bubong at di saklaw ng iyongwalang hanggang pagkalinga.
3 Akala nila'y walang nakapansin sa lihim nilang kasalanan,at naikubli na sa likod ng madilim na tabing ng paglimot.Ngunit ngayo'y nanginginig sila sa takot,nababalisa at binabagabag ng mga guni-guni.
4 Ang madilim na silid na kanilang pinangungubliha'y hindi nakahadlang sa matinding takot,sapagkat sa paligid nila'y umaalingawngaw ang mga ingay na nakapangingilabot,at binubulaga sila ng mga multong nakakasindak tingnan.
5 Hindi sila kayang liwanagan maging ng pinakamalaking siga.Ang ningning ng mga tala ay di man lamang makabawas sa pusikit na dilim.