12 Ang takot ay bunga lamang ng di paggamit sa tulong na idinudulot ng isipan.
13 Ang walang lakas ng loob na magtiwala sa pag-iisipay aalipinin ng takot na likha ng kamangmangan.
14 Sa buong magdamag ay balisang-balisa sila sa pagtulog,bagaman ang kadilimang iyon ay walang magagawa laban sa kanila,sapagkat iyon ay mula lamang sa walang kapangyarihang bangin ng daigdig ng mga patay.
15 Hinahabol sila ng mga kakila-kilabot na pangitain,ngunit naroon silang hindi makakilosnang sila'y biglang pagharian ng matinding takot.
16 Bigla na lamang silang nabubuwal at di makaalis sa pagkahandusay,gapos ng mga tanikala ng sariling takot.
17 Maging magsasaka, pastol o manggagawa sa kaparangan,silang lahat ay nabihag ng iisang kapalaran,sila ay nagapos ng tanikalang di nakikita sa gitna ng kadiliman.
18-19 Ang lahat sa paligid ay kinatakutan nila—pati ang marahang ihip ng hangin,o ang magandang huni ng mga ibon sa mga sanga ng punongkahoy,o ang lagaslas ng tubig sa umaagos na batis,ang ugong ng mga batong gumuguho,ang ingay ng mga hayop na tumatakbo at lumulukso ngunit hindi nakikita,ang atungal ng mababangis na hayop,ang alingawngaw ng mga kuweba sa libis ng bundok—at halos mamatay sila sa takot.