17 Maging magsasaka, pastol o manggagawa sa kaparangan,silang lahat ay nabihag ng iisang kapalaran,sila ay nagapos ng tanikalang di nakikita sa gitna ng kadiliman.
18-19 Ang lahat sa paligid ay kinatakutan nila—pati ang marahang ihip ng hangin,o ang magandang huni ng mga ibon sa mga sanga ng punongkahoy,o ang lagaslas ng tubig sa umaagos na batis,ang ugong ng mga batong gumuguho,ang ingay ng mga hayop na tumatakbo at lumulukso ngunit hindi nakikita,ang atungal ng mababangis na hayop,ang alingawngaw ng mga kuweba sa libis ng bundok—at halos mamatay sila sa takot.
20 Samantala, ang buong daigdig ay naliligo sa liwanag ng araw,at ang lahat ng bagay sa kanilang paligid ay patuloy sa kani-kanilang gawain.
21 Tanging sila lamang ang nabalot ng pusikit na dilim,larawan ng kadiliman ng kamatayang naghihintay sa kanila.Ngunit ang mas mabigat na pasaning kanilang dinadala kaysa kadilimang iyon ay ang kanilang sarili.